𝐔𝐑𝐆𝐄𝐍𝐓 𝐇𝐈𝐑𝐈𝐍𝐆!
Christ the King College of Calbayog City, Inc. is urgently looking for a qualified and dedicated Physical Education/PATHFIT Instructor to join its academic community.
Interested and qualified applicants should signify their interest in writing, addressed to Fr. Raymond C. Osok, OFM, CKC President, or may send their application via e-mail to ckchrmdoffice@gmail.com.
Deadline of Submission: September 5, 2026
Join the CKC family and become part of a community committed to quality education, holistic student development, and service.
Your journey as a Christi Regian educator starts here.
… See MoreSee Less
21 hours ago
The entire Christ the King College of Calbayog City, Inc. community proudly stands behind our candidates as they represent CKC in the Miss Hadang Festival Queen 2026!
Tonight, September 1, our candidates will take the stage for the Festival Costume Competition at 7:00 PM at CACO Theater.
May you showcase not only your beauty and elegance, but also the confidence, talent, and pride of a true Christi Regian. Wear your costume with grace, carry the CKC name with honor, and give your very best!
Good luck, our Christi Regian queens! 👑👑
#YourChristTheKingWillReign
… See MoreSee Less
23 hours ago
🎄✨𝕀𝕋'𝕊 𝕋𝕀𝕄𝔼, ℂℍℝ𝕀𝕊𝕋𝕀 ℝ𝔼𝔾𝕀𝔸ℕ𝕊!✨🎄
𝓗𝓮𝓵𝓵𝓸, 𝓑𝓔𝓡 𝓜𝓸𝓷𝓽𝓱𝓼! 🎄✨
𝑻𝒉𝒆 𝑩𝑬𝑹 𝒎𝒐𝒏𝒕𝒉𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒊𝒏𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒉𝒆𝒓𝒆!
Despite what is happening in our country and the challenges many of us continue to face, let us welcome these months with hope, gratitude, compassion, and faith.
The BER months remind us that even in difficult times, there is always a reason to hope, to care, to share, and to look forward to brighter days. May the spirit of Christmas be always in our hearts, inspire us to stand together, extend kindness to one another, and become a light in the lives of those around us. ✨
𝙄𝙩’𝙨 𝙩𝙞𝙢𝙚, 𝘾𝙝𝙧𝙞𝙨𝙩𝙞 𝙍𝙚𝙜𝙞𝙖𝙣𝙨! 𝙇𝙚𝙩 𝙪𝙨 𝙬𝙚𝙡𝙘𝙤𝙢𝙚 𝙩𝙝𝙚 𝘽𝙀𝙍 𝙢𝙤𝙣𝙩𝙝𝙨 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝙝𝙚𝙖𝙧𝙩𝙨 𝙛𝙪𝙡𝙡 𝙤𝙛 𝙝𝙤𝙥𝙚 𝙖𝙣𝙙 𝙡𝙤𝙫𝙚. ❤️🎄
𝑯𝒂𝒑𝒑𝒚 𝑩𝑬𝑹 𝑴𝒐𝒏𝒕𝒉𝒔, 𝑪𝒉𝒓𝒊𝒔𝒕𝒊 𝑹𝒆𝒈𝒊𝒂𝒏𝒔! ✨
… See MoreSee Less
1 day ago
“𝑺𝒂 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒏𝒂𝒉𝒐𝒏, 𝒎𝒂𝒚 𝒎𝒈𝒂 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒍𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒓𝒊𝒍𝒊 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”
Ngayong Agosto 31, 2026, ginugunita ng Christ the King College of Calbayog City, Inc. ang Araw ng mga Bayani, isang pagkakataon upang kilalanin ang tapang, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng mga bayaning nag-ambag sa kalayaan at pagkakakilanlan ng ating bansa.
Sa tahimik na pag-alala, patuloy nating pinahahalagahan ang kanilang mga ipinaglaban at isinasabuhay ang mga pagpapahalagang kanilang iniwan: katapangan, paglilingkod, malasakit, at pagmamahal sa bayan.
Nawa’y maging inspirasyon ang kanilang halimbawa upang tayo rin ay maging mga bayani sa ating sariling paraan, sa paglilingkod, paggawa ng mabuti, at pagiging responsable sa kapwa at bayan.
Mabuhay ang mga bayani! 🇵🇭
Mabuhay ang sambayanang Pilipino!
… See MoreSee Less
2 days ago
Pagbati, Christi Regian!
#YourChristTheKingWillReign𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁 𝘁𝗵𝗲 𝗞𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗯𝗮𝘆𝗼𝗴 𝗖𝗶𝘁𝘆, 𝗜𝗻𝗰. proudly celebrates 𝗔𝗿𝗷𝗮𝗻𝘀𝘀𝗲𝗻 𝗣. 𝗢𝗿𝗯𝗮𝘀𝗲, a Grade 10 student, for securing the 𝗦𝗶𝗹𝘃𝗲𝗿 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗛𝗼𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗻𝗴 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗠𝗮𝘁𝗵𝗲𝗺𝗮𝘁𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗢𝗹𝘆𝗺𝗽𝗶𝗮𝗱 (𝗛𝗞𝗜𝗠𝗢) 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗹 𝗥𝗼𝘂𝗻𝗱 – 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻.
Joining young mathematicians from different schools and communities, Arjanssen took on a challenge that called for sharp thinking, patience, and perseverance. Through each problem he encountered, he had the opportunity to test his knowledge, strengthen his skills, and showcase his growing passion for mathematics.
His achievement reflects more than the solutions written on a page. Behind every answer are the preparation, determination, and willingness to keep learning that brought him to this moment. It is a milestone that speaks of what can be achieved when curiosity is met with commitment and challenges are welcomed with courage.
𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗮𝘁𝘂𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀, 𝗔𝗿𝗷𝗮𝗻𝘀𝘀𝗲𝗻! May you continue to find wonder in every problem, wisdom in every lesson, and purpose in every challenge you take on.
#YourChristTheKingWillReign
———
Words by 𝗔𝗻𝗴𝗲𝗹𝗶𝗰𝗮 𝗥𝗼𝘀𝗲 𝗢𝗿𝘁𝗶𝘇
Layout by 𝗭𝗮𝗸𝗶 𝗟𝗼𝗰𝗮𝘆𝗮
… See MoreSee Less
3 days ago
Taos-pusong binabati ng Christ the King College of Calbayog City, Inc. si G. Maximo C. Aljibe, PhD, DPM, CESO III, Direktor ng Commission on Higher Education (CHED) Regional Office VIII, sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan ngayong Agosto 29, 2026.
Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas, at biyaya upang higit pang maging makabuluhan ang inyong paglilingkod at pamumuno sa larangan ng mataas na edukasyon.
Hangad ng buong pamayanan ng CKC ang isang masaya, makabuluhan, at pinagpalang kaarawan. Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon at tapat na paglilingkod sa bayan.
𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, 𝐃𝐢𝐫. 𝐀𝐥𝐣𝐢𝐛𝐞!
Mabuhay po kayo at pagpalain sa inyong patuloy na paglilingkod!
… See MoreSee Less
4 days ago
𝐌𝐀𝐒𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐄𝐀𝐌-𝐁𝐔𝐈𝐋𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐈𝐄𝐒 𝐒𝐀 𝐈𝐊𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐂𝐊𝐂 𝐈𝐍-𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝟐𝟎𝟐𝟔
Naging tampok ang serye ng team-building activities sa ikalawang araw ng In-Service Training (INSET) Program para sa mga empleyado ng Christ the King College of Calbayog City, Inc. noong Agosto 28, 2026, na ginanap sa Mondejares Beach Resort, Calbayog City, Samar.
Pinangunahan ng Big Minds Training and Consultancy Services ang mga aktibidad bilang facilitator, kung saan aktibong nakilahok ang mga empleyado sa iba’t ibang gawaing naglalayong palakasin ang pagtutulungan, komunikasyon, tiwala, at pagkakaisa sa loob ng institusyon.
Sa pamamagitan ng mga interaktibo at mapanghamong team-building activities, nabigyan ang mga kalahok ng pagkakataong makipagtulungan sa kanilang mga kasamahan, harapin ang mga hamon bilang isang pangkat, at higit na makilala ang bawat isa sa labas ng karaniwang lugar ng trabaho.
Higit sa kompetisyon at kasiyahan, nagsilbing daan ang mga gawain upang maipamalas ang kahalagahan ng bayanihan, koordinasyon, at sama-samang pagkilos tungo sa iisang layunin.
Sa pagpapatuloy ng INSET Program, muling pinagtibay ng CKC ang pagpapahalaga nito sa pagpapaunlad ng mga empleyado, pagpapatatag ng ugnayan, at pagbuo ng isang mas nagkakaisa at produktibong komunidad ng institusyon.
#CKCINSET2026
… See MoreSee Less
4 days ago
𝐈𝐊𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐂𝐊𝐂 𝐈𝐍-𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝟐𝟎𝟐𝟔
Nagpatuloy ang In-Service Training (INSET) Program para sa mga empleyado ng Christ the King College of Calbayog City, Inc. sa ikalawang araw nito noong Agosto 28, 2026, na ginanap sa Mondejares Beach Resort, Calbayog City, Samar.
Pinangunahan ng Big Minds Training and Consultancy Services ang pagsasanay bilang facilitator, na nagbigay ng mga talakayan at gawaing nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman, pagpapaunlad ng kasanayan, at pagpapalakas ng propesyonal na kakayahan ng mga empleyado ng institusyon.
Naging tampok sa ikalawang araw ng programa ang mga gawaing naglalayong higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga kalahok sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad, gayundin ang pagpapaigting ng kanilang kakayahang makapaghatid ng mahusay at episyenteng serbisyo sa komunidad ng CKC.
Sa pamamagitan ng naturang pagsasanay, patuloy na isinusulong ng CKC ang patuloy na pagkatuto at propesyonal na pag-unlad ng mga kawani bilang mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng kalidad ng serbisyo at pagkamit ng mga layunin ng institusyon.
#ckcinset2026
… See MoreSee Less
4 days ago
𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐌𝐈𝐒𝐀 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐈𝐊𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐂𝐊𝐂 𝐈𝐍𝐒𝐄𝐓 𝟐𝟎𝟐𝟔
Sa diwa ng pananampalataya at pagkakaisa, isinagawa ang Banal na Misa bilang bahagi ng ikalawang araw ng In-Service Training (INSET) ng mga empleyado ng Christ the King College of Calbayog City, Inc. noong Agosto 28, 2026, sa Mondejares Beach Resort, Calbayog City, Samar.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Gregorio A. Monte, OFM, Vice President for Finance, ang pagdiriwang ng Banal na Misa, kasama sina Rev. Fr. Raymond C. Osok, OFM, Pangulo ng CKC, at Fr. Alberto L. Dano, OFM, Direktor ng Campus Ministry Office.
Naging mahalagang bahagi ng pagsasanay ang pagdiriwang ng Banal na Misa upang higit na maihanda ang mga empleyado hindi lamang sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad, kundi maging sa mas malalim na paninindigan sa paglilingkod na nakaugat sa pananampalataya at mga pagpapahalagang Kristiyano.
Sa pamamagitan ng sama-samang pananalangin at pagninilay, muling pinaigting ng komunidad ng CKC ang diwa ng pagkakaisa, paglilingkod, at pananampalataya bilang gabay sa patuloy na pagtupad sa misyon ng institusyon.
#ckcinset2026
… See MoreSee Less
4 days ago
𝐃𝐄𝐊𝐀𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐂𝐊𝐂-𝐈𝐆𝐒𝐚𝐑, 𝐃𝐔𝐌𝐀𝐋𝐎 𝐒𝐀 𝟓𝟕𝐓𝐇 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐍𝐕𝐄𝐍𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐓 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘
Dumalo si Dr. Rowena R. Diaz, Dekana ng Institute of Graduate Studies and Research (IGSaR) ng Christ the King College of Calbayog City, Inc., sa 57th International Convention and General Assembly of the Philippine Association for Graduate Education (PAGE) na ginanap sa Lyceum of the Philippines University, General Trias, Cavite, mula Agosto 27–29, 2026.
Bilang kinatawan ng CKC at ng IGSaR, nakibahagi si Dr. Diaz sa mga talakayan, pagpupulong, at iba pang gawaing nakatuon sa pagpapalakas ng graduate education at pananaliksik sa bansa.
Layunin ng taunang pagtitipon na magsilbing lunsaran ng pagpapalitan ng kaalaman, karanasan, at mga makabagong ideya ng mga administrador, guro, mananaliksik, at iba pang tagapagtaguyod ng graduate education mula sa iba’t ibang institusyon.
Ang pagdalo ni Dr. Diaz ay nagpapakita ng patuloy na pakikilahok ng CKC at IGSaR sa mga pambansa at pandaigdigang inisyatiba para sa kahusayan sa graduate education at pananaliksik, alinsunod sa adhikain ng institusyon na paigtingin ang kalidad ng akademikong paglilingkod at pagpapaunlad ng kaalaman.
… See MoreSee Less
4 days ago